Ipinagdiwang ng Lungsod ng San Pedro ang Buwan ng Wikang Pambansa 2017 bilang pagbibigay-pugay sa wikang Filipino at sa mayaman nitong kultura, sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Filipino: Wikang Mapagbago” na may temang “Saligan ng Pagkakaisa Para sa Magandang San Pedro,” sa Pacita Astrodome, Aug. 31, 2017, mula 1:30 ng hapon hanggang 8 ng gabi. Dito’y nanawagan si Mayor Lourdes S. Cataquiz na “mahalin, pahalagahan, tangkilikin, at pagyamanin ang wikang Filipino at sariling kultura.”
Nagpakitang gilas ang mga estudyante ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod sa Isahang Awit, Dalawahang Awit, Sabayang Bigkas, Dance Drama, at Sanaysay na nilahukan ng iba’t-ibang departamento ng San Pedro City Hall.
Narito ang mga nagwagi sa mga patimpalak:
• Isahang Awit:
Champion – Chad Kerby L. Reforma
1st – Lorraine J. Onding
2nd – Jonalyn G. Ladisla
3rd – Allezandre Nicole De Jesus
• Dalawahang Awit:
Champion – Gabriela Anne Sayos at John Patrick Abrea
1st – Jodelyn Trinidad at Janry Gaspi
2nd – Keevin Jerian Calderon at Alexandra Capulong
3rd – Clark Duane Romero D. Carolina at Ma. Faith Kristel Baloloy
• Sabayang Bigkas:
Champion – Landayan Elementary School
1st – San Lorenzo School
2nd – Pacita 2 Complex Elem. School
3rd – Upper Villages Christian Academy
• Dance Drama:
Champion – San Lorenzo School
1st – Immaculate Heart of Mary School
2nd – Southville 3 National High School
3rd – Sampaguita Nat’l High School
• Sanaysay:
Champion – General Services Office (GSO)
2nd – Office of the Building Official (OBO)
3rd – Human Resources Management Office (HRMO)
The post BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2017 appeared first on .