Sa matinding kagustuhan ng Pamahalaang Lungsod na maging drug-free ang San Pedro, inilunsad ng City Health Office at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang “Drug Prevention & Awareness Symposium” sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) San Pedro, August 24 & 25, 2017, kung saan nakibahagi ang 750 estudyante. Layunin ng symposium na itanim sa isipan ng mga kabataan ang masamang epekto ng iligal na droga at umiwas sa pagiging drug pusher o courier.
Ibinahagi nina PDEA provincial officer Rio C. Arizala, PO1 Bernardo Erazo, Jr., at registered nurses Reynante Arboleda at Joseph Peleton ang mga signs/symptoms/ ill effects ng ipinagbabawal na gamot, at mga sari-saring problemang dulot ng droga sa kalusugan at lipunan.
The post PAGPAPALAGANAP NG KAALAMAN TUNGKOL SA ILIGAL NA DROGA, PATULOY NA ISINASAGAWA appeared first on .