Mahigit 400 na private at public high school students at out of school youth ang dumagsa sa San Pedro Astrodome sa Pacita Complex 1 noong August 12, 2017 para sa San Pedro Engage Youth Summit na may temang “Youth Building Peace”. Ang summit ay tinampukan ng mga presentations ng mga kilalang youth development advocates sa bansa na kinabibilangan nila ASEC Earl Saavedra ng Dangerous Drugs Board, Commissioner Percival Cendaña ng National Youth Commission, Meg Villanueva ng PeaceTech Inc. at Rupert Ambil II ng Move.ph. Tinalakay sa summit ang drug abuse, teen pregnancy, HIV at social media. Nakamit ng summit ang layunin nitong mapalwak ang kaalaman ng mga kabataang taga-San Pedro sa mga nabanggit na isyu.
Ang San Pedro Engage Youth Summit ay pinangunahan ng Department of Youth and Sports Development (DYSD) sa pamumuno ni Executive Assistant V Aaron Cataquiz.
The post MAHIGIT 400 KABATAAN DUMALO SA 2017 SAN PEDRO ENGAGE YOUTH SUMMIT appeared first on .