Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

“SEAL OF CHILD FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE” IGINAWAD SA CITY OF SAN PEDRO

$
0
0

 

Tumanggap ang pamahalaang lungsod ng San Pedro ng Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) noong Aust 2, 2017 sa Cultural Center of Laguna. Ang SCFLG ay iginagawad sa mga karapat-dapat na pamahalaang lokal para sa kanilang pagpupursige sa pagsusulong ng mga karapatan ng mga bata. Ito rin ang naging basehan sa resulta ng child-friendly local governance audit na isinagawa ng Inter-Agency Monitoring Task Force sa mga lungsod at munisipalidad ng CALABARZON sa ilalim ng DSWD.
Ayon kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz ito ay ikalawang pagkakataon na ginawaran ng pagkilala ang San Pedro. Dagdag pa nito, na walang humpay na pagsisikap ng San Pedro Council for the Protection of Children sa pagtuklas ng makabagong pamamaraan upang isulong ang karapatan at kapakanan ng mga bata sa lungsod. Dumalo naman sina Coun. Edgardo M. Berroya, DILG Officer Jennifer Quirante at DSWD Head Fatima Autor.

The post “SEAL OF CHILD FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE” IGINAWAD SA CITY OF SAN PEDRO appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles