Upang malabanan ang kahirapan at mga suliraning kinakaharap ng mundo, tinalakay ng pamahalaang lungsod ang Sustainable Development Goals (SDG) sa Lakeview Conference room na pinangunahan nina DILG officer Jennifer Quirante at CBMS administrative officer Yvonne F. Geolingo.
Ipinaliwanag nina Quirante at Geolingo ang Family Based Action for Children and their Environs in the Slums (FACES) na naglalayon na maisaayos at mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat pamilyang nakatira malapit sa estero sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod. Sakop rin ng programang ito na mapabuti ang kanilang kalusugan at magkaron ng iba’t-ibang oportunidad tungo sa magandang kinabukasan sa tulong na rin ng national government, international community, civil societies at private sectors. Dagdag pa ni Former Mayor Calixto Cataquiz “Dapat ng baguhin ang pagiisip ng bawat mahirap na Pilipino para na rin sa ikauunlad ng kanilang buhay dahil nasa kultura na ng mga ito ang laging naka asa sa gobyerno at ayaw magsumikap”.
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina ABC President Kap. Romeo Marcelo, Head ng CENRO Malou Balba, CSDWD Head Fatima Autor, POSO Head Vangie Allen at Admin ng Jose L Amante Hospital Malou Apilado.
The post SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS (SDG) TUNGO SA MAS MAGANDANG KALIDAD NG PAMUMUHAY appeared first on .