Binigyan ng libreng serbisyo tulad ng gupit, manicure at pedicure ang mahigit 60 na persons with disabilities sa “PWD Pampering Day” na may temang “Karapatan at Pribilehiyo ng May Kapansanan: Isakatuparan at Ipaglaban alinsabay sa pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation na ginanap noong July 20, 2017 sa Jose L. Amate Emergency Hospital.
Layunin ng programa na mabigyang halaga o importansiya ang kalagayan ng mga PWD’s sa gitna ng kanilang mga kapansanan. Bukod sa PWDs, kabilang din sa nabigyan ng serbisyo ang mga senior citizens o nakatatanda. Ito ay pinangasiwaan ng City Health Office, City Social Welfare and Development Office at San Pedro Technological Institute.
The post PERSON WITH DISABILITY (PWD) PAMPERING DAY appeared first on .