“Ang lahat ng mga kasama sa programang ito ay kinakailangang nakikipagugnayan at gumagawa ng kakaiba sa dati nang nakagawian dahil sa wala nang lupang mabili at kung mayroon man ay napakamahal.” Ito ang ipinayo ni City Mayor Lourdes “Baby” Cataquiz sa mahigit limampu’t anim (56) kalahok sa isang Urban Gardening Seminar ang isinagawa ng Tanggapan ng Agrikultura ng Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ni G. Rogelio Bartolini. Ito ay naganap sa Multi-Purpose Hall ng City Hall of San Pedro kaninang umaga (Oktubre 23, 2015).
Layunin ng seminar na makatulong makapagdagdag ng (1) sapat na pagkain sa hapag-kainan, (2) kita upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng pamilya, (3) matutunan ang Urban Gardening at iba pang makabagong teknolohiya ng pagtatanim na angkop sa ating Lungsod at, (4) matutunan ang iba’t-ibang paraan ng paggawa ng organikong pataba.
The post EDIBLE LANDSCAPING, TINALAKAY NI MAYOR BABY CATAQUIZ SA “URBAN GARDENING” SEMINAR appeared first on .