Sa temang “Pagbabago, Sama-samang Balikatin” ay lumutang ang makukulay at magagarbong float mula sa iba’t-ibang departamento ng pamahalaang lungsod upang gunitain ang 119th Araw ng kalayaan na pinangunahan nina City Mayor Lourdes S. Cataquiz at dating mayor Calixto R. Cataquiz.
Dito ay ibinahagi ni Mayor Cataquiz na unti-unti ay nakakamtan na ng lokal na pamahalaan ang kalayaan ng bawat mamamayan ng San Pedro tulad ng kalayaan sa kahirapan, karahasan, kawalan ng pag-asa, kalusugan, at iba pa, dahil dito umano nakatuon ang kanyang mga proyekto at programa.
Nakiisa sa programa sina Admin. Filemon I. Sibulo, Sangguniang Panlungsod, mga kawani ng pamahalaang lungsod, Brgy. Chairmen at kagawad, District Supervisor Jovito Barcenas at mga guro, NGO’s at iba pa, na ginanap sa San Pedro City Plaza noong June 12, 2017.
Sa 16 na float na nakibahagi sa parada ay nakamit ng San Pedro Technological Institute (SPTI) ang first place sa float competition at naiuwi ang premyong P25,000. Pumangalawa naman ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na nagkamit ng P20,000 habang pumangatlo ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na nagwagi ngP15,000. Nakamit naman ng ibang departamento ang P3,000 consolation price.