June 9, 2017 – Ang “proposed city traffic ordinance of 2017,” na nakatalagang ipatupad sa bawat barangay ng City of San Pedro, ay mainit na tinalakay sa isinagawang public hearing sa Multi-Purpose Hall ng Pamahalaang Lungsod. Ang naturang public hearing, na naglalaman ng “traffic management, policy and regulation” at isinagawa upang masolusyonan ang problema sa trapiko, ay pinangunahan ni Konsehal Delio Hatulan, katuwang ang iba pang mga konsehal na sina Divina Olivarez, Bernadeth Olivares, Celso Ambayec, Bobot Berroya, Celso Ambayec, Kent Lagasca, at Jimbo Ambayec. Nakiisa rin ang mga Kapitan at home owners ng bawat barangay, mga driver ng mga pampublikong sasakyan, at ang staff ng Public Order and Safety Office (POSO).