Nagkaroon ng workshop ang lahat ng barangay chairman at staff para sa pagbuo ng Barangay Disaster Risk Reduction & Management (BDRRM) Plan and Contingency Plan Formulation Workshop na isinagawa sa Pavilion Hall noong May 19, 2017.
Magkatuwang sa programang ito ang Pamahalaang Lungsod at Department of Interior and Local Government (DILG). Ayon kay CDRRMC OIC Vernet Nico Pavino, ang isinagawang pagpaplano ng mga barangay ay bilang paghahanda sa anumang kalamidad na maaaring dumating sa ating Lalawigan. Ito ay mandato ng batas at alinsunod sa RA 10121 An Act Strengthening the Philippine BDRRM System. Iniatas rin ito ng DILG upang makasunod sa Seal of Good Governance ng barangay at ng LGU.
Ang mabubuong contingency plan ay magiging basehan kung paano ilalaan ang pondo ng barangay na mayroong limang porsyento para sa calamity fund, dahil ang 70 porsiyento mula sa 5 porsiyentong calamity fund ay maaring gamitin sa pagpaplano at paghahanda samantalang ang 30 porsiyento ay sa quick response (State of calamity).