Nagdaos ng pagpupulong ang Laguna Chapter of Philippine Association of City and Municipal Engineers and Building Officials noong April 28, 2017 sa Pavilion Hall sa ganap na ika-10:00 ng umaga. Nag courtesy call ang grupo kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz na pinangunahan ni City Engineer Julieta Tiñana at Engr. Jun Ables.
Ayon naman kay Engr. Michael Toralba, Pangulo ng Phil. Association of City and Municipal Engineer, hinikayat niya ang lahat na patuloy pa pag-ibayuhin ang paglilingkod lalo na sa panahon ngayon na maraming sakuna ang nagaganap dulot ng climate change. Nabanggit din nito na dumalaw ang kanilang grupo sa Mabini Batangas upang tumulong sa inspection at assessment sa nangyaring lindol. Nais din umano ng samahan na magkaroon ng sariling opisina na accessible para sa lahat.