Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang 2nd Quarterly Meeting ng Laguna Tourism Council sa Pavilion Hall noong April 20, 2017. Layunin nito na palakasin pa ang turismo sa lalawigan ng Laguna at maipakilala ang mga produkto ng bawat lalawigan gayundin ang Tourism Plans and Programs at ang makulay na pagdiriwang ng Anilag Festival sa pamamagitan ng Laguna Tourism, Culture, Arts & Trade Office (LTCATO).
Kabilang sa mga dumating ay sina LTCATO Tourism Division Head Regina Austria, Provincial Government Dept. Head Rosauro A. Sta. Maria Jr., Laguna Tourism Council President Andrew Nocon, Laguna Tourism Consultant Jeffrei Baldemor at mga Tourism Heads ng bawat bayan. Ang naganap na quarterly meeting ay pinangasiwaan ng San Pedro Tourism, Culture & Arts sa pangunguna ni Rosita Celis.
↧
LAGUNA TOURISM COUNCIL 2ND QUARTERLY MEETING
↧