Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1584

LUNGSOD NG SAN PEDRO MATAGUMPAY NA IPINAGDIWANG ANG BUWAN NG KABABAIHAN

$
0
0

Daan-daang Kababaihan ng San Pedro, nakilahok sa pagdiriwang ng Women’s Month!

Matagumpay na ipinagdiwang ang taunang National Women’s month matapos na makiisa ang daan-daang kababaihan ng San Pedro. Sa temang, “We Make Change Work for Women,” binigyan ng pagpapahalaga ang mga kababaihan. Nagsagawa ng mga programa tulad ng zumba, libreng “pap smear and visual inspection”, “Buntis Congress-Alagang Ina, Alagang Baby” seminar kung saan namahagi ng “Buntis Kits”sa mga kababaihang nagdadalang tao at simultaneous breast cancer awareness lecture na ginanap noong ika-13 ng Marso, 2017.

Nagbigay din ng libreng gupit, manicure at pedicure at body massage na handog naman ng San Pedro Technological Institute (SPTI). Nagsagawa din ang City Social Welfare and Development (CSWD) at City’s Women and Children Protection Desk (WCPD) ng seminar ukol sa Magna Carta of Women o Republic Act (RA) 9700.

Bilang pagtatapos nagkaroon ng Culminating Activity sa San Pedro City Plaza noong Marso 27, 2017 sa ganap na ika-6:00 ng umaga.  Pinangaralan ang mga natatanging kababaihan na nagbahagi ng kanilang kaalaman at nagtaguyod sa lungsod ng San Pedro na sina Brgy. Chairwoman  Cora Amil at Ruby Adajar, Rosa Badiola, Ambassador Belen Anota, Dr. Mercedes Oliver, Sis. Maria Teresa Ravasio, Fatima Autor (Head-CSWD) at Riah Fojas (Chief Nurse – CHO).

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1584

Trending Articles