Apatnapung magkakapareha ang ikinasal noong Disyembre 2, 2016 sa San Pedro Astrodome sa naganap na Kasalang Bayan na handog ni City Mayor Lourdes Cataquiz kaisa ang Local Civil Registrar’s Office sa pangunguna ni ginoong Mario Liwanag, Hepe ng LCR.
Ang masayang okasyon ay pinamunuan ni Mayor Baby Cataquiz na sinaksihan naman ng mga kaibigan at pamilya ng mga ikinasal. Nagbigay ng regalo si Mayor Baby Cataquiz gaya ng cakes, libreng lunch para sa bagong kasal at mga pamilya’t kaibigan at mga wedding pictures.
Ang kahalagahan ng kasal ay di mapapasubalian ng anumang puwersa kung matatag at nababatay sa katotohanan, paggalang at kabutihang loob.