Sa pangkalusugang programang ipinatutupad ni Mayor Lourdes Cataquiz, mula sa 200 mga Senior Citizens na nakalista, 120 ang nabakunahan laban sa pulmonya nitong Martes, ika- 6 ng Oktubre sa Multi-Purpose Hall, City Hall. Ito ay pinangasiwaan ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) na pinamumunuan ni Gng. Gregoria V. Ramilo bilang Acting Head at ng City Social Welfare Development Office na pinamumunuan naman ni Bb. Fatima Autor. Ayon kay Gng Ramilo ang 80 na hindi pa nabakunahan ay maaaring humingi ng appointment sa City Health Office upang sila ay mabakunahan laban sa pulmonya at sila ay pupunta na lamang sa Jose Amante Hospital para magpabakuna.
The post LIBRENG BAKUNA KONTRA PNEUMONIA PARA SA MGA SENIOR CITIZENS appeared first on .