22 Oktubre, 2016, ika-apat nang umaga ang simula ng pagtitipon tipon ng mga libong taong lumahok sa Alay Lakad 2016: MAY PAG-ASA ANG KABATAAN na nagmula sa tatlong pook : Shopwise, Wellcome Mall Calendola at Gateway.
Sa pinagsimulang halagang mahigit na tatlongdaang libong pisong nalikom ganap na ika-7:00 nang umaga, ito ay nadagdagan pa ng 100 libong pisong handog ni First District Congresswoman Arlene B. Arcillas. Nadagdagan pa ito nang 50 libong piso sa pagdating at pagbibigay ni Gobernador Ramil H. Hernandez, kung kaya’t halos kalahating milyong piso ang halaga na maitutulong sa 60 bilang ng mga kabataan sa ilalim ng pangangasiwa ni Bb. Fatima Autor ng tanggapan ng City Social Services Department.
Naging masigla, masaya at maayos ang pagganap ng lahat sa makasaysayang okasyon na ito na pinangunahan ng Rotary Club. Sa araw na ito unang ginanap ang Alay Lakad dalawapu’t limang taon na ang nakakaraan. May mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya.
INDIVIDUAL CATEGORY:
HEAVIEST WALKER- EMELITA L. CLEMENTE, TALLEST WALKER- JOSELITO EUGENIO, MACHO WALKER- JONATHAN CAVADINO,OLDEST WALKER – REMEDIOS CORDERO – 76 Years Old Sampaguita SKL, YOUNGEST WALKER-LARA ISABEL DAGUNO – 2 Years Old,
CUTEST WALKER-LAIZA MERCADO, APPLE OF THE EYE- JANNA JURADO, SEXIEST WALKER- MELANIE S. LOPEZ, HAZEL MARASIGAN
GROUPS:
EARLY BIRD -PUP STA. MESA – Jeremiah Ibañez, Airra Almar Munir, Jamell Pendoon, BIGGEST DELEGATION-ISKOLAR NG SAN PEDRO, SEXIEST GROUP- SAMAHAN NG MGA KABABAIHAN, ORGANIZED & DISCIPLINED- POLICE GROUP, COLORFUL GROUP- SAMPAGUITA VILLAGE- ES