Iniuulat ng Chief Nurse ng San Pedro City Health Office ang patuloy na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng Lungsod ng San Pedro para sa libreng “cataract screening and operation” na patuloy na isinasagawa sa Amante Hospital.
Ang mga mamamayang apektado ng naturang karamdaman sa mata – ang katarata, ay mangyari lamang na pumunta sa Amante Hospital.
Sapagka’t mayroon nang mga kagamitang angkop, tumatanggap na rin ang City Health Office ng mga pasyenteng may karamdaman sa bato o kidney. Mayroon nang tatlong dialysis na ginagamit sa Jose Amante Hospital kung kaya’t maaari nang magpadialysis ang mga pasyenteng nangangailangan nito sa mababang halaga.
Ayon kay Mayor Baby Cataquiz, ang karagdagang serbisyong ito ay bahagi ng patuloy ng pagpapalakas ng ating mga ospital upang matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng ating mga taga lungsod.
The post LIBRENG OPERASYON SA KATARATA AT DIALYSIS SA MABABANG HALAGA appeared first on .