Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

HALOS 14 PHP MILYONG TULONG NA KAGAMITAN AT MATERYALES NAKALAAN SA LIVELIHOOD

$
0
0

Bottom Up Budgeting LUNGSOD NG SAN PEDRO MULA SA Department of Labor and Employment
Agosto 9, 2016 Lungsod ng San Pedro

Ipinahayag ni Senior Labor Officer Lorena Lacosta, panauhin mula sa Region IV A Provincial Office ng DOLE ang halos 14 na milyong pisong halaga ng materyales at kagamitan na mapapakinabangan ng mga mamamayang beneficiaries ng Livelihood Project ngayong 2016. Nilinaw niya na ang mga mamamayang mayroon nang tinatanggap na tulong mula sa ibang ahensya ng pamahalaan ay “pahinga na muna sa proyektong ito”. Hinamon niya na ang hindi pagiging tapat sa maliit na bagay ng sinumang beneficiary ay isa ring katangiang tulad nang sa mga inaakusahang malalaking personalidad na diumano ay hindi tapat sa paglilingkod sa pamahalaan.
Pinangunahan ni Bb. Lirio Rivera, Executive Assistant ng Office of the Mayor at focal person ng proyekto, ang daloy ng briefing/seminar at siya rin ang magmomonitor ng kabuuan ng proyekto. Dalawang taon na na tumatanggap ang lungsod ng ganitong tulong. Mula sa iba’t ibang sektor ang bumubuo ng bilang ng mga beneficiaries na umabot na sa 11,992 mga indibidwal na miyembro naman ng 77 organisasyon. Sagot naman ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang iba pang kailangan sa Livelihood Project.
Kinatawan ni Coun. Kent Lagasca, Vice Chairman for the Committee on Livelihood ang kanyang Chairperson na si Coun. Ina Olivares. Ipinahayag naman ni G. Jun Castillo, Program Manager na 12% lamang ang antas nang hindi pagtatagumpay ng ilang proyekto noong nakaraan dahil sa kawalan ng pagmamalasakit at kawalan ng pangangailangan sa tulong na tinutukoy. Ang bagong batch ngayong 2016 ay sasailalim ng isang pagsasanay mula sa 3rd party entity upang maituro kung paano maging matagumpay sa proyektong negosyo. – (mgb/PAIO)

13912726_1174038625992849_1970337383188413259_n 13962676_1174028875993824_3505785340498343945_n 14054918_1174038015992910_3402564463408222742_n 14055071_1174037779326267_6792827816091523945_n 14068229_1174029409327104_727424184575944140_n

The post HALOS 14 PHP MILYONG TULONG NA KAGAMITAN AT MATERYALES NAKALAAN SA LIVELIHOOD appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1570

Trending Articles