Para po sa lahat ng nagtatanong, nalilito at gustong malaman kung paano ba magkakaroon ng pension ang ating mga maralitang (indigent) senior citizens, narito po ang implementing guidelines para sa benepisyong ito.
Ang sinusunod nating batas sa pagpili ng Social Pensioner ay ayon sa Adminstrative Order no. 15 , Series of 2010 (GUIDELINES ON THE IMPLEMENTATION OF THE SOCIAL PENSION FOR INDIGENT SENIOR CITIZENS)
MGA KUNDISYON
Ang priority age bracket po natin ay:
80 years old and above – FIRST PRIORITY
70-79 years old – SECOND PRIORITY
60-69 years old – THIRD PRIORITY
Ang priority economic status po natin ay:
- Indigent
- Hindi tumatanggap ng pension mula sa GSIS, SSS or AFPMBAI
- Walang pinagkakakitaan
- Walang natatanggap na suportang pinansyal mula sa kamag anak
Para naman sa estado ng kalusugan, bibigyang prayoridad po ang :
- Kasalukuyang maysakit , o masasakitin (frail and sickly)
- May kapansanan (Disabled)
Kung kayo po ay isang senior citizen at may mga kondisyon na nakasaad sa ating guidelines, maaari po kayong makipagugnayan sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ground floor ng City Hall, o tumawag sa 808-2020 local 107.
The post PAGLILINAW UKOL SA SOCIAL PENSION PROGRAM PARA SA MGA MARALITANG SENIOR CITIZENS appeared first on .