13 Hulyo 2016, Sitio Rustan Barangay Langgam, Lungsod ng San Pedro – Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S Cataquiz ang programa alas diyes nang umaga upang ipaalam sa madla ang pagbubukas ng San Pedro City Memorial Park, isang pampublikong himlayan.
Ayon sa kanya, ” ang istilong gagawin ay moderno na at hindi na katulad nang dati. Hindi lamang ito sementeryo kundi isang parke. Anumang oras ay madadalaw ninyo ang mga yumaong mahal sa buhay. May iba’t ibang uri ng paglalagakan: may bone, vault, may lawn lot at apartment type na mga niches. Ito ay dati pang ideya ni Former Mayor Calixto R. Cataquiz.”
Ang mga dumalo sa okasyon ay sina: City Administrator Filemon Sibulo, Vice Mayor Iryne Vierneza, Councilors Celso Ambayec,Marlon Acierto, Delo Hatulan, Divina Olivarez, Jamie Ambayec, Edgardo Berroya, Carlon Ambayec, Former Councilor Diwa Tayao,City Hall Department Heads, Barangay Chairman and Kagawad, TODA, Senior Citizens, SKL. Si Bishop Joseph Galaroza ang siya namang nagbasbas sa lugar. – (mgb/paio)
The post SAN PEDRO CITY MEMORIAL PARK SOFT OPENING appeared first on .