“Bagong Mandato, Bagong Antas ng Pagbabago”.
Ito ang ipinahayag ni San Pedro City Mayor Lourdes “Baby” Cataquiz na magiging tema ng kaniyang susunod na tatlong taon na panunungkulan upang lalo pang makilala ng buong mundo ang San Pedro bilang isang maunlad na lungsod.
“Ibig sabihin po nito, hindi po tayo magpapahinga sa ating programa ng patuloy na pagbabago. Tuloy-tuloy, walang humpay, walang tigil na pagbabago. Sabi nga: ‘nothing is permanent in this world but change.’ Kaya nga, if we are good today, we could change for the better. If we have become better, we could change for the best”, aniya.
Sa kaniyang ginawang talumpati sa ginanap na Thanksgiving Mass sa San Pedro Apostol Parish Church noong Hulyo 1, 2016, pinasalamatan din ni Mayor Baby ang lahat ng tumulong upang magkaroon siya ng bagong mandato na may kalamangan na mahgit 19.000 votes noong May 9, 2016 elections.
“Nagsimula tayo sa San Pedro Roadmap 2020, at sinundan ito ng San Pedro Urban Renewal o SPUR, at dahil dito ay matagumpay ang ating mga programa upang gawing isang modernong siyudad ang San Pedro” ani Mayor Baby.
Binigyang-diin nya na ang style ng pangangasiwa at pagbibigay ng serbisyo sa tao na ginagamit ngayon ng Pamahalaang Lungsod ay technology-based, naging madali at ayon sa world-standard dahil sa mga programang ISO, LGPMS, CBMS, LARES, at Citizen’s Charter.
Idinagdag niya na napanatili ng lokal na pamahalaan na matino at mahusay ang pangangasiwa ng kabang-bayan sa pamamagitan ng masinop, maingat at makabuluhang pag-gastos. Sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Baby sa loob lamang ng tatlong taon, naging doble ang budget ng San Pedro, mula sa P500 Thousand level noong 2013 ay umakyat sa P1.05 Bilyon ngayong 2016.
“Minsan tinutuligsa ako dahil ako daw ay kuripot, matipid at mahigpit gumastos. Inaamin ko na ngayon na totoo po yun. Pero dahil po dyan, mas marami tayong nagawang proyekto at marami tayong nabiling gamit na kailangan sa operasyon ng ating pamahalaan”, ang paliwanag ni Mayor Baby.
Ipinahayag din ni Mayor Baby na bibigyan ng pamahalaang lokal ng ibayong pagpapahalaga ang mga mahihirap na taga San Pedro. “Totoo ang sinabi ni Vice President Leni Robredo na marami tayong kababayan sa laylalayan ng lipunan na dapat tulungan”.
The post MAYOR BABY CATAQUIZ, NAGPASALAMAT SA TAO AT NANGAKO NG MATAAS NA ANTAS NG PAGBABAGO PARA SA SAN PEDRO appeared first on .