Panawagan para sa pagkakaisa, pag-aambagan tungo sa pagsulong ang mga bahagi ng tema sa mga pananalita ni Mayor Lourdes S Cataquiz: gayundin ng pasasalamat at, pag-gunita ng kabayanihan ng mga naunang panahon. Ito ang mga tinuran ni ng ating punong-lungsod bilang pangunahing tagapagsalita sa palatuntunan ng Araw ng Kalayaan na ginanap kahapon noong Linggo, 12 Hunyo 2016.
Ang palatuntunan na ginanap sa City Town Plaza ay pinatingkad ng mga natatanging bilang tulad ng mga sumusunod:
Maramihang pag-awit ng Himig Sanghaya sa ” Mabuhay Ka, Pilipino “, madamdaming solo rendition ng “Lupang Hinirang” . Bigang, ang bagong DepEd Supervisor na si Dr. Jovito Barcenas na nagpugay at bumati rin kay Mayor, pagaalay ng bulaklak sa bantayog nina Dr, Jose Rizal, Capt. Abelardo Remoquillo at mga Bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig .Lumahok sa pagdiriwang ang dating Punong Lungsod Calixto R. Cataquiz, Pamunuan ng Lungsod, mga City Employees, mga NGO’s, Senior Citizens at mga Opisyales at Miyembro ng Veterans Federation of the Philippines.
The post KALAYAAN 2016: PAGKAKAISA, PAG-AAMBAGAN, PAGSULONG appeared first on .