Kasalukuyang nagsasagawa ng “Catch-Up Immunization” and ating City Health Office (CHO) upang masiguro na ang bawat bata na sapat na ang gulang para sa bakuna ay nabibigyan nito. Batid ng City Health Office na may mga bata na hindi nadadala ng mga magulang sa ating RHU (Rural Heal Unit) para makatanggap ng mga bakuna, kaya minarapat ng ating mga healthworkers na makipagbayanihan sa bawat barangay. Ang “Catch-up Immunization” para sa mga batang may gulang na 0-23 months ay isang programang isasagawa sa buong buwan ng Abril. Ang mga kuhang larawan sa ibaba ay mula sa Sitio Southside, Brgy. San Antonio.
The post CATCH UP IMMUNIZATION PARA SA MGA BATANG 0 – 23 BUWAN ANG EDAD appeared first on .