“Heroes do not die. They just pave the way.”
Ito ang kasabihan na ibinahagi ni dating Mayor Calixto Cataquiz sa mga lumahok sa celebrasyon ng Araw ng Kagitingan noong Sabado (Abril 11, 2016) sa City Plaza.
Ikinuwento ng dating Mayor ang tungkol sa pagkabayani ni Capt. Abelardo Remoquillo at ang kanyang mga nagawa bilang isang bayani ng San Pedro nang siya ay isa sa mga tumulong upang mapalaya ang Prisoners of War na taga Bay, Laguna noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa insidenteng ito, siya binawian ng buhay sa murang edad na 22 taong gulang.
Nagbigay din ng maikling mensahe ang presidente ng San Pedro Veterans Association na si Pablo De Silva, at ikinuwento niya ang kahalagaan ng okasyon maging ang kanyang personal na engkwentro sa
mga Hapones nang siya ay mahuling may hawak na sulat para sa nga Guerillas. Naranasan niya ang parusahan sa pamamagitan ng paglulublob sa drum ng tubig na nakatiwarik.
Mga guro mula sa Depd at SPTI ay nagpakita ng mga interpretative dances para sa mga manonood na naglalarawan ng mga pangyayari tungkol sa Araw ng Kagitingan (Fall of Bataan), ganun din ng Filipino Folk Dances tulad ng “Subli” at “Pantomina”.
The post ARAW NG KAGITINGAN 2016 appeared first on .