Tinanghal na Champion ang Barangay San Vicente sa katatapos na Fire Olympics na isinagawa kahapon (Marso 15, 2016) sa Rosario Complex bilang bahagi ng pagdaraos ng Fire Prevention Month sa Lungsod ng San Pedro.
Ang Olympics ay pinangasiwaan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni City Fire Marshall Gay Florentino at City Fire Auxiliary Unit (CFAU) sa pamumuno ni Engr. Ronnel Heredia, sa tulong ng Public Order and Safety Office (POSO) at City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC)
Tinanghal ang first runner-up ang Barangay Bagong Silang, habang ang Barangay San Roque naman ay nakakuha ng second runner-up. Lumahok din sa Olympics ang mga Barangay Langgam, Narra, Calendola, GSIS, Cuyab, Landayan, Magsaysay, at Sampaguita.
Pinapurihan ni Executive Assistant Aaron Cataquiz ang mga nagsilahok dahil ito ay bahagi ng paghahanda ng ating mga fire fighters sa pagsugpo ng sunog. Noong Marso 03, 2016 ay nagsagawa ng motorcade ang BFP at CFAU kasama ang PNP, BJMP, CDRRMC, SPARC, at mga non-government organizations at paaralan.
The post SAN PEDRO FIRE OLYMPICS 2016 MATAGUMPAY NA GINANAP appeared first on .