3,878 katao na kabilang sa “marginalized sector” sa San Pedro ang nasakop ng “Alaga Ka” Program ng Philhealth na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro noong Marso 8, 2016 sa San Pedro Astrodome sa Pacita Complex 1.
Pinangunahan ni Mayor Baby Cataquiz ang programa sa kinapalooban ng “Profiling and Distribution of Member Data Record” (MDR) sa ilalim ng programa. Ang mga nabigyan ng MDR ay pinagkakalooban ng libre o discounted na serbisyong medikal sa panganganak, hospitalisasyon, pagpapa-opera at iba pang pangangailangang pangkalusugan. “Mahalaga ang kalusugan sa isang tao kaya’t todo tutok ang ating lokal na pamahalaan sa kalusugan ng taga-lungsod, lalo na ang mga mahihirap na ang kalusugan lamang ang kanilang tanging kayamanan” ani Mayor Baby.
Nilahukan ng mga opisyal ng Philhealth na mula sa iba’t ibang lugar ang programa. Ang mga nabanggit na opisyal ay sina:
Edwin Oriña OIC-Office of the Regional Vice President, Philhealth Regional Office IV-A LUCENA CITY
Ms. Ana Raquel tiongco – Social Insurance Officer III
Ms. Eloisa Tagbo – Chief Social insurance officer
Mga kawani mula sa Philhealth Lucena, Philhealth San Pablo at Philhealth Calamba.
The post PHILHEALTH “ALAGA KA” PROGRAM MATAGUMPAY NA NAILUNSAD appeared first on .