Lungsod ng San Pedro, 20 Enero 2016 – Bilang panauhing pandangal sa pagtatapos ng mga mag-aaral ng Technical-Vocational Courses sa San Pedro Technological Institute, binigyang inspirasyon ni Mayor Lourdes S Cataquiz ang nasa 800 na graduates sa pagwiwikang kailangang ipagpatuloy nila ang kanilang mga pangarap lalu pa at mayroon nang pupuhunaning kaalaman. Binanggit ni Mayor na ang patuloy na pangangarap ay magbubunsod tungo sa patuloy na pag-unlad ng kinabukasan ng bawa’t isa at maging ng pangkalahatang pag-unlad.
Ang mga nagsipagtapos ay mula sa 24 na Tech-Voch Courses tulad ng Bread and Pastries, Cookery, Computer Technology, Electrical installation and Maintenance, Food and Beverage Services, Bartending, Housekeeping, Massage Therapy, Automotive, Appliance Servicing, Audio-Video Servicing, Basic and Advanced Photography, Basic Computer Operation, Contact Center, Cosmetology, Dressmaking, Tailoring, Industrial Sewing Machine Operation, Welding and English Proficiency. Matapos ang 100 araw, 4 o 6 na buwang pagsasanay depende sa uri ng kurso, ang mga nagsipagtapos ay tumanggap ng Certificate of Completion (National Level) na pirmado ng Provincial TESDA mula sa Administrador ng paaralan, G. Dominador S. Marmeto. Sa programa ng kanilang commencement exercise, ang mga graduates ay nagsagawa ng kanilang Pledge of Loyalty.
Ilan sa mga inanyayahang panauhin ay sina Dave Almarinez, Kons. Diwa Tayao at Kons. Lesli Lu. (Mula sa ulat ni G Ellis Lagac ng SPTI).
The post MENSAHE NI CITY MAYOR LOURDES “BABY” CATAQUIZ SA MGA SPTI GRADUATES: PATULOY NA MANGARAP appeared first on .