17 Disyembre 2015 – Pinangunahan ng Department of Education District Supervisor Jovito M Barcenas, PhD ang makulay at masiglang pagtatanghal ng DepEd na kinalahukan ng iba’t ibang Paaralang Elementarya ng Lungsod na siyang naunang magpakita ng kanilang bahagi sa palatuntunan. Ito naman ay sinundan ng pagpapakitang gilas ng mga Hayskul tulad ng San Pedro Relocation Center National High School at ng iba’t ibang campuses nito sa Langgam, Landayan at Cuyab. Ang kabuuan ng palabas ay sinimulang ganapin mula ika-8:00 nang umaga sa halip na ika-6:00 nang hapon.
The post PAGTATANGHAL NG DEPED SA PASKUHAN SA SAN PEDRO 2015 appeared first on .