Quantcast
Channel: City of San Pedro, Laguna
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1584

DAY 3 PASKUHAN SA SAN PEDRO 2015 – GABI NG PACITA COMPLEX NATIONAL HIGH SCHOOL

$
0
0
December 3, 2015 – Bilang taunang pakikilahok sa pagdiriwang ng “Paskuhan sa San Pedro”, todo – bigay ang mga mag-aaral, guro at mga tagapamahala ng paaralan sa kanilang iba’t ibang pagtatanghal na kinabilangan ng mga awit, dula at sayaw.
Bagama’t litaw ang kagandahan at pagkamasigasig ng lahat nang nagtanghal, naging tampok ang  ikatlong bahagi na lubos na pinalakpakan at hinangaan ang pag lip-synch na ginampanan ng mga guro. Ang mga performers ay gumaya sa anyo at galaw hangga’t makakaya ng iba’t ibang mang-aawit tulad nina:Dina Bonnevie, Sarah Geronimo, Sitti, Yeng Constantino Bamboo at iba pa samantalang naririnig ang orihinal na boses ng mga sikat na mang-aawit.
Pagmamahal sa Diyos, Bayan at Paaralan ang naging tema ng unang bahagi. Ang ikalawang bahagi ay kinapalooban ng isang dulang adaptation na pinagsama ang katutubong alamat at kanluraning konsepto sapapamagitan ng pagamit ng pangalang Santa at Klaus. Umikot ang istorya tungkol sa pagsasakripisyo ng tauhang si Klyde sa pagkuha ng Eternal Flower para sa kanyang minamahal na si Santa Fe upang matupad ang isang wagas na pag-iibigan. Ito naman ay taliwas sa naunang ginawa ni  Klaus na pinili pa ang makulong sa Gubat ng Makabre kaysa magmukhang matanda sa paningin ni Santa na diumano’y kanyang minamahal. Tagumpay ang paghahatid ng mensahe ng katapatan sa pag-ibig.

DSC_6533 DSC_6537 DSC_6540 DSC_6548 DSC_6551 DSC_6552 DSC_6554 DSC_6556 DSC_6558

DSC_6562 DSC_6564 DSC_6565 DSC_6566 DSC_6568 DSC_6572 DSC_6573 DSC_6599 DSC_6600 DSC_6601 DSC_6604 DSC_6615 DSC_6619 DSC_6620 DSC_6622 DSC_6626 DSC_6630 DSC_6632 DSC_6633 DSC_6640 DSC_6643 DSC_6646 DSC_6647

The post DAY 3 PASKUHAN SA SAN PEDRO 2015 – GABI NG PACITA COMPLEX NATIONAL HIGH SCHOOL appeared first on .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1584

Trending Articles